Friday, December 2, 2016

"Analytic Geometry pa lang ay hirap na.." -year 11 K+12

Paano mapapagkasya sa 60 oras ang mga subject na analytic geom, trigo at mathematical induction?
Sa ginawang curriculum guide ng DepEd sa pagpapatupad ng K+12, inaasahang maabot ng mga estudyante sa STEM strand ang napakaraming competencies na kabilang sa analytic geom, math induction at calculus, bilang preparasyon para sa basic calculus. Makaraan ang unang "run" ng senior high, napagtanto ng napakaraming teacher at eskwelahan na malabong makamit ang ganitong objectives. Una sa lahat, hindi naman nahinog ang kakayahan sa fundamentals ng analytic geom at trigonometry nang kinuha sa junior high dahil mas mahirap ang "mastery" ng subject kapag nakaspiral ang buong subject ng "math".
Hindi sasapat ang " curriculum" ng math sa junior high para maging handa sa pangangailangan ng senior high. 
May ilang mga private schools na sadyang nagdadagdag ng math elective sa 3rd year na (plane geometry) at 4th year (trigonometry) hiwalay sa spiralized na math subject. Dahil inalis ang ilang learning outcomes mula sa dalawang branch ng math, mas nakakapag-advance at mas nagkakaroon ng mastery sa Algebra at ilang fundamentals ng statistics.
Isang magandang mungkahi para sa implementasyon ng senior high na maging transition stage ang year 9 at 10 para sa paghahanda para sa kanilang pipiliing strand, lalong lalo na sa mga kukuha ng STEM.

Saturday, June 25, 2011

Doctor ng bayan

Doc. Ha

Sino lang ba may karapatan magdiagnose ng sakit? Sino lang ba may karapatan magprescribe ng reseta? Mga doktor? Albularyo? Hilot? Ako? Ikaw?

Natawa ako nung nagkwento yung tricycle driver na yung asawa niya ay hinahayblood sa tuyo. Napaisip ako kung ano bang posibleng sangkap ng tuyo ang nakakasakit sa puso o kung hindi naman ay sa mga ugat. Asin? Hindi, mas malamang na sakit sa bato ang aabutin mo pag nasobrahan ka dito. Baka naman kapag inihaw mo yung tuyo magiging carcinogenic na yung tuyo, yun pwede pa. Laking gulat ko na lamang nung ikwento nung tsuper na sa tuwing uuwi siya na tuyo lang dala dala niyang ulam ay bigla na lang napapamura at hinahayblood si misis.

Sinundan naman ito ng reaksyon ng kapwa niya pa tsuper na maloko. May iba siyang analysis sa pangyayari. Ang sabi niya, hindi raw sa tuyo hinayblood ang kanyang misis, dahil sino ba namang babae ang hindi hahaybloodin kapag ang asawa niya ay ganyan kapangit. May isa namang pasahero ang nakisawsaw pa. Mayroon pa nga siyang nabangit na experimental setup para masubok ang mga pinagsasabi nitong mga lokong drayber na to. Sabi niya, “Subukan niyo kaya ‘wag uwian yang mga misis niyo. Ano kaya ang mangyayari?” agad namang sagot ng isang drayber “edi lalong hinayblood yung lokong yon. Baka halughugin pa nga ‘nun yung buong barangay kasama yung biyenan niya. Machine gun pa naman yung mga bibig nung mag-ina..”

Naisip ko lang.. Pano kaya kung ganon yung isagot ko sa doctor kapag nagtanong siya ng medical history ng pasyente. “Sir, hinayhayblood po yan kapag umuuwi ako na tuyo lang ang dala-dala kong ulam. Minsan nga ay hinahayblood rin yan basta umuwi ako eh. Pag hindi naman ako umuwi hahaybloodin rin naman kasama pa ang kanyang nanay.” Baka isagot sa akin ng doctor “tang-ina mong loko ka pati ako hinahayblood sa ‘yo eh. Baka naman sira sa ulo ang meron diyan sa asawa mo.. pati sa ‘yo..” Syempre hindi naman ako lalo na siguro yung mga drayber na ganito ang sabihin sa kanila ng kahit sino pa man diyang nakatapos ng medisina. Gaguhan na ‘to kung gaguhan.

Tangina nga naman sino nga ba naman ang matutuwa sa doktor diyan sa barangay health center? Na sa tuwing namukaang mahirap ang pasyente ‘matik na ang resetang antibiotics ay amoxicillin. Sa halos apat na taon na undergrad na programa, idagdag mo pa ang apat na taon sa medisina, dagdagan mo pa nang ilan pang taon para maging espesyalista, tapos tang-ina amoxicillin lang ang natutunan na gamot sa mga mahihirap. Ano kayang meron sa genes ng mga dukha na amoxicillin ang kayang umepektong antibiotic? Baka raw kasi isuka lang nila ang iba pa gaya ng cefaclor o cefalexin o kung anu ano pang ‘clor at ‘xin. May medical substance ba ang pera na kapag kulang ka ay may ibang gamot na hindi tatalab sa iyo?

May punto rin naman yung doctor na lokong yun eh. Mabibili ko naman ba yung irereseta niya kung magbigay man siya. Hindi rin naman eh. Nagsayang lang siya ng oras at laway para checkupin ako tapos hindi rin naman masusunod ang kanyang rekomendasyon.

Nasaan ba kaya talaga ang sakit? Kasi itong sakit na tingin ng iba na loko-loko lang ay siya namang pinakaseryoso para sa mga palaisip.

Thursday, May 19, 2011

RH mania!

Pro RH? Anti RH? Usong-uso yang tanong na yan sa iba't ibang news oriented channels dito sa bansa. Pagalingan sila sa paghimay ng samu't saring isyu na kaakibat ng panukalang batas na kasalukuyang ginigisa sa kongreso. Nanjan si mareng Winnie sa GMA, sina Erwin at Luchi sa TV5, sila Korina, Ted, at Noli sa ABSCBN. Pagalingan sa pagkalap ng opinyon at kurokuro mula sa mga eksperto ang midya (ewan ko kung bakit.. siguro para mas mataasa ang ratings?), pahabaan ng mga live footages sa kongreso (hindi ko napanood nang live yung kay pacquiao pero nang marinig ko sa 24oras yung pagtatanong niya kay Rep. Lagman, naisip ko na baka tulog to kahapon.. baka yung utak lang.. kasi halos lahat ng pagbubusisi niya ay itinanong na ni Gentleman from Manila na di ko na maalala yung pangalan) at palaliman ng mga interbyu sa mga taong sinasabing malaki ang kinalaman sa naturang panukalang batas.
Kung sinu-sino na ang nilapitan ng mikropono sa bibig dahil sila daw ang mga pinaka apektado. Nanjan ang mga tao sa simbahan (na kada may itatanong si Gentleman from Manila ay siya namang palakpakan nila sis at bro.. di ko talaga malimutan yung tanong tungkol sa "proscription abortion and abortion management" na ayon kay lagman ay pagbabawal sa aborsyon at pagsasaayos ng kondisyon sa kung sino mang nagsagawa ng aborsyon. Etong si Manila Gentleman parang walang alam sa buhay, tanungin ba na pano raw imamanage yung mga kaso ng aborsyon kung bawal ang aborsyon, hindi niya ba napanood o nakitsismis man lang sa committee meeting nung isang araw tungkol naman sa smugling.. bawal yun ah.. pero diba kelangan rin non ng post-smuggling treatment. Kanino mapupunta yung kotse? Ibabalik ba to kay Kongresman? O wawasakin rin, yung iba, tulad ng ipinamuka dati ni GMA.. Eh sa aborsyon? Anong gagawin sa katatapos lang magabort, ibibigay rin kay kongresman? aapakan rin ng truck? biro lang.. Malamang mga medical at psychological treatment ang nasa isip ng loyal supporter ni GMA na si Lagman) mga kongresista at militanteng grupo, kung sinu sinong tao na napupulot sa daan, gaano ba kabigat ang opinyon ng bawat isa?
Una nating tingnan ang opinyon nina Father, Brother, at Sister. Ang simbahang katoliko ay lagi na lang bukang bibig ang pagtutol nila sa artificial contraception (siguro para raw hindi lugi kasi sila lang ang hindi nakakagamit non. ha!ha!ha!). Gaano nga ba kalaki ang papel ng relihiyon, kung hindi man sa pagsasagawa ng batas, sa pamumuhay ng mga taong kasali sa kanila? Ano nga ba ang relihiyon para kay Juan, kay Aling Duday, kay Manong Gabo, kay Titser Ana, kay Nanay Chabeng, kina ate Lina at kuya Kebin, sa mga taong halos wala nang kawala sa masalimuot na kundisyon ng lipunan (in short.. mga mahihirap at sa lalo pang mahirap.. ilan lang ba mayaman dito.. Hello..). Paano ba nakatali ang mga buhay nila sa mga turo ng simbahan? Para ba itong chain of command sa army na pag may iniutos ang papa (na ayon sa mga balita noon ay naniniwalang wala naman atang mali sa artificial contraception o wala lang siyang pakialam sa mga makamundong bagay..hehe) kelangan lahat ng kasapi ay sumunod. Pag sumuway ay kulong (ay! wala na pala silang ganong kapangyarihan. malas lang ni Celdran at close ata si father at si hepe.) o di kaya excomunicado (unang una di ko talaga alam kung uso pa to ngayon. ang kilala ko lang na excomunicado ay si Ibarra na imbento pa ni Rizal pati si Baruch Spinoza na malamang hindi na natin kilala). Natatakot ba si Noynoy na mapunta sa impyerno. Siguro naisip niya na hindi niya raw makikita don yung nanay niya (pwera na lang kung maalala niya yunga mendiola massacre.. baka naman mapatawad siya don ni Lord). Hindi kasi ako nagbabasa bibliya kaya wala akong alam kung meron talagang sinasabi ang mga propeta at gospel writers tungkol sa pagtutol ng Diyos sa RH bill. Natatakot siguro sila father na baka pagkamatay nila ay pagalitan sila ni Lord; "mga hinayupak kayo, bakit niyo hinayaang magsigamit ng condoms at pills yang mga tao", hindi nila siguro naisip na mabait naman siguro yang si God at hindi nila naisip ang posibilidad na ganito ang sabihin ni God: "mga anak, hayaan niyo na yan, baka medjo mahihilig lang talaga yang mga yan, mabuti na yan kesa dumami ang populasyon, tapos krimen, tapos kasalanan.. tsk.. tsk.. hayaan niyo na yan. maunawain naman ako eh.. basta dapat at the end of the day, magpasalamat sila sa panginoon at mahalin nila ang kapwa" Ewan ko lang kung kapwa ko ba si pareng sperm at mareng egg o kaya naman si future fetus yung tipong parang mga kwento sa tv na pagnaganuhan na yung lalake at babae ay may biglang sasanib na espiritu sa fetus. Ngayon ko lang naisip na futuristic rin pala magisip yang mga paring yan. akala ko kasi na yan lang libro ni aquinas ang alam nilang basahin kaya mga boring sila. Anyway, ano ba talaga ang relihiyon para sa mga simpleng mamamayan ng lipunang Pilipino? Akin lang ito ah, pero sa palagay ko nagiging parang habit lang naman ang pamamanata ng pilipino sa kanikanilang relihiyon. Una, wala ka naman sigurong kilala na nag be-blessusohlord kahit wala namang makain, nageh-angelofgodmyguardiandear kahit wala namang matulugan. Parang naiuugnay lamang ang relihiyon sa swerte (masyado kasing positibo ang mga pilipino eh, o medyo natatakot sila na iugnay ang diyos sa malas.. nako yari talaga ako dito). Halos wala na rin yata sa isip ng mga namamanata ang pagpunta sa langit, pwera siguro sa mga matatanda. Madalas humihiling guminhawa sa buhay, gumaling sa sakit, mga nagpapasalamat dahil pinagaling sa sakit, mga tulad ni pacquiao na nagpapasalamat sa milyon milyon niyang kinikita matapos manggulpi ng kapwa. Para bang nagkakaroon lang ng konting conditioning na kung saan pinapagsama natin ang mga swerte sa pananalig.
Relihiyon.. tungkol ito sa paniniwala o faith naman para sa mga sosyal. Pag may tsismis, pwede kang maniwala pwede ring hindi. Ganyan rin ang pamamaraan ng mga preacher at mga pari. Parang ichinichismis nila ang mga bulong sa kanila ng diyos. Eh pano kung demonyo pala yung bumulong sa kanila. Minsan defensive sila masyado at lagi nilang pananggalang yung pinagmamalaki nilang bibliya. Sino ba sumulat non? Ang pagkakaalam ko ay nakalap ang nilalaman ng malaking bahagi ng lumang testamento thru word of mouth.. in short tsismis. Tsismis rin mula sa mga tulad nating tao na pwede ring magsinungaling. Ang sabi nila ang Diyos raw ang bumulong sa kanila. Hindi nila naisip na pwede naman ang demonyo ang bumulong sa kanila since wala naman sa atin na nakakakilala kay God maliban sa isa pa niyang personang si Kristo. Kaya nga diyos eh. Walang paraan sila John, Luke, Matthew, at Mark para siguraduhin na si God ang bumubulong sa kanila nung isinusulat nila ang gospels. Ang galing naman nila para makilala ang diyos. Wala naman akong balak itiwalag kayo kay Bro. Ang akina lang eh dapat nating alalahanin ang napakahalagang papel ng paniniwala sa pakikipagugnay natin kay Bro. For example, pinakasalan mo ang iyong asawa dahil naniniwala ka na hindi ka niya iiwan kahit napakalaki ng posibilidad na mangaliwa yan. Mas maraming posibilidad na madiskaril, mas malaki ang pangangailangan sa paniniwala. Di ba mas masarap pakinggan na naniniwala ka pa rin maski napakalaki ng posibilidad na mali ang pinaniniwalaan mo. Palalim ng palalim ang paniniwala hanga't palabo ng palabo ang katotohanan. Kaya kung tatanggapin natin na malabo ang katotohanan sa relihiyon at naniniwala pa rin tayo, malalim talaga ang ating paniniwala. Tae nagmumukha na tuloy akong si brother Mike sa pinagsusulat ko. GUSTO KO LANG LINAWIN NA MALABO ANG ANUMANG ARGUMENTO TUNGKOL SA RELIHIYON; KUNG AYAW BA O GUSTO ITO NG DIYOS, WALA SA ATING MAKAAALAM.
Gaano ba talaga kabigat ang mga payo nila Father, Brods, at Sis? Tingin ko hindi talaga ito ganon kahalaga since hindi naman sila ang mga taong apektado (pwera na lang kung meron something sa loob ng simbahan). Ano man ang alam nila sa moralidad at paraan ng pamumuhay wala yung ipinagkaiba sa atin bilang miyembro ng masa. Kanya kanyang paniniwala lang yan.. HAHAHA!
-Sa susunod na lang ang say ni kongresman at militante na idealistically represtatives ng iba't ibang interes..

Friday, March 26, 2010

Tutubi Tutubi, Huwag Kang Magpapahuli Sa Mamang Salbahi (Jun Cruz Reyes) Review


I wrote this one during my Freshman years at school (It served as a term paper). This one is in Filipino but i am currently translating the "tema at pagsusuri"(Theme and Analysis) part which is quite interesting.
The book is all about Martial Law and Jun Cruz Reyes has really made a nice picture of it in a somewhat satirical manner.
With no further a do, check out this review..


ANG AWTOR

Si Jun Cruz Reyes (Pedro Reyes Jr.) ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong ika-27 ng Hulyo 1974. Isa siyang manunulat ng piksyon, makata at pintor. Anak siya nila Pedro Reyes at Teofila Cruz. Nakuha niya ang kanyang Bachelor of Arts sa Political Science sa University of the East at Bachelor of Science sa Foreign Studies sa Lyceum of the Philippines. Nakapagturo siya sa Philippine Science High School, Unibersidad ng Pilipinas, De La Salle University at sa Polytechnic University of the Philippines. Nailimbag ni Reyes ang:Utos ng Hari at Iba pang kwento, 1981;Tutubi, Tutubi, 'wag Magpahuli sa Mamang Salbahe, 1987, isang nobela; Negros, 1988, isang aklat ng mga kwento, tula at sanaysay; at mga Daluyong, mga Unos sa Panahon ni Rolando Olalia, 1989. Gumawa rin siya ng dokumentaryo, 1983, at nagsagawang mga eksibit ng kanyang mga pininta noong 1982 at 1989. Dalawa sa kanyang aklat, ang Utos ng Hari at Tutubi, ang nanalo sa National Book Awards for fiction mula sa Manila Critics Circle noong 1981 at 1987. Tumanggap rin siya ng maraming parangal mula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Cultural Center of the Philippines at ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang mga kwentong nanalo ng Palanca ay ang mga ss.: Isang Lumang Kwento, ikatlong parangal, 1973; Mula Kay Matandang Iskong Basahan, Mga Tagpi-tagping Ala-ala, Ikatlong parangal, 1975; Araw ng Buldozer at Dapithapon ng Isang Bangkang Papel sa Buhay ni Ato, ikalawang parangal, 1977; Utos ng Hari, ikatlong parangal, 1978; Mga kwentong Kapos , ikatlong parangal, 1979; Syeyring, ikalawang parangal, 1986. Ang iba pa niyang nakatanggap ng Palanca ay: grand prize para sa kanyang nobelang Tutubi, 1982; ikatlong parangal para sa kanyang koleksyon ng tula; Syeyring at Iba pang Tula, 1986; pangalawang parangal naman sa sanaysay na Ilang Talang Luma Buhat sa Talaarawan ng Isang may Nunal sa Talampakan, 1980; ikatlong parangal sa Ilang tala..II, 1986. Ang kanyang dokumentaryong, Dumagat-Ibong Lagalag, ay nanalo sa Catholic Mass Media Awards. Dalawa sa kanyang mga tula ang nanalo ng parangal sa Talaang Ginto ng Surian: Ang Isang Tula Para sa'yo, 1976, at Paano Ba Humabi ng mga Pangarap?, 1987.(Galang, 1994, akin ang salin) Isinulat ni Jun Cruz Reyes ang Tutubi noong panahon ng martial law. Dahil dito ginamit niya ang tagpuan noon panahon ng batas militar. Totoong laganap noon ang kahirapan at aktibismo ang ilan pa ngang tauhan ay binatay sa kanyang karanasan sa panahong ito. Patunay dito ang kanyang nabanggit sa paunang salita na “ewan kung bakit ako inimbita ng militar... Tinandaan ko ang ikinilos at sinalita ng nagimbita sa akin. Salamat naman, nakabuo ako ng tauhan.”(Reyes, 1987) Dala rin ng panahon ang kanang naging kaparaan sa pagsulat. Sabi pa niya'y “panahon ng maraming bawal”(Reyes, 1987). Ang subject position naman ni Reyes sa nasabing akda ay nakabatay rin sa kanyang pananaw bilang bilang guro, manunulat at hindi kabilang sa elite. Napokus rin ang pagdedetalye sa Kamaynilaan (pailan-ilan rin naman sa Kabukiran) at ilang sitwasyon sa paaralan na kung saan puno siya ng karanasan.

BUOD NG NOBELA

Kasasara lang ng eskwlahan at kabababa lang ng batas militar. Si Jojo, nagaaral sa Philippine School for Science and Technology, ay napadaan at binalak na bumisita sa nagbagong paaralan. Militar na ang pumalit sa mga gwardiya kay makikipila at magpapa-inspect para makapasok. Kinukumpiska maski ang suklay na patulis ang dulo. Dapat din ay proper uniform. May nakasabit pa nganga “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan” kasama pa ang ibong walang pakpak at paa. Nakipila pa rin si Jojo at noong siya na ang kinapkapan, hinanap ang kanyang ID, sinita kung bakit hindi siya nakauniporme at ininspeksyon ang kanyang libro. Napagkamalan pa nga siyang aktibista dahil sa kanyang porma. Dinala siya sa dati nilang library at inusisa ng miltary interrogator(Gardonet) na parang di marunong magtagalog. Kada iling ay maybatok. Pinipilit siyang komunista. Pinagsabi pa nga siya ng mga kilala niyang komunista at nagimbento naman siya. Ginupitan siya ng bohok pagkatapos. Biglang dumating si Kulas, kabarkada niya at parang may sinesenyas ito. Pinaglinis si Jojo ng mga sasakyan suot ang malaking plakard at doon niya narinig ang mga sigaw ni Kulas.
Napilitan siyang maglakad dahil nga nagastos niya ang tirang pera sa barberya. Naglabasan ang mga billboard ng multinational. Napinturahan ang suso ni Moran at baril ni Bronson. Nilapitan siya ng Amerikanong preacher na naniningil pa para sa leaflet. Lumayo rin ang Kano at tuloy ang lakad. Naisipan niya ring ibenta ang relo na bigay ng kanyang ama. Buti umabot siya sa Tambunting at naibenta ito ng higit ochenta. Bumili ng sigarilyo, pagkatapos ay kumain sa restawrant at nang marinig ang kampana ay nagmadali ng umuwi. Dumaan muna siya sa simbahan at pinagbentahan at kinuwentuhan pa ng mga pa- lengkera. Nakipila rin siya sa sinasabing milagrosang imahen(na muntik manakaw). Noong bata pa siya ay pinakokolekta sila ng porno materials ng pari at noong high school ay pinakukumpisal ukol sa kahalayan. Idinidepensa naman niya ang urges na dapat hindi pinipigil.
Nang pumasok na siya sa simbahan pilit na dinidikta ng pari ang Good News. Pero pumasok sa isip niya ang plano na pagsamahin lahat ng ayaw niya sa floating school na iiwan sa dagat na maraming pating. Natakot rin siyang mapunta sa impyerno kung too ang imahe. Ganon pa rin ang labas, palengke at mga nagdedebate.
Pagkaalis ng simbahan naalala niya ang mga unang araw sa eskwela at pagbabago ng paniniwala sa talino. Kapareho nito ng ilan niyang kabarkada sina Kulas, Minyong, Joey, Herbi, Lib at si Mr. Kabayan. Mga aktibista ang kanyang mga kasama kaya medyo nahahawa na rin siya. Ikinukwento niya rin ang mga pangyayari sa paaralan lalo na ang tungkol sa mga chismis ni Miss Spermatozoa(na bastos). Isang araw pa nga ay nagpatigasan sila ni Jojo dahil sa proper uniform. Sa huli ay sumuko rin ang guro. Akala niya ay kickout na siya pero biglang nagsara ang paaralan dahil sa batas militar.
Napadaan naman siya sa tindahan ng hayop at halaman at napansing nakakulong ang mga hayop at ginawang bonsay ang mga halaman. Sa kanyang palagay, maski ang hayop at halaman ay tutol sa pagkakakulong. Lumabas siya ng tindahan at si Tess naman ang pumasok sa isip. Naalala niya nang una silang magkita sa lamay. Umasang tatawagan pero naghintay lang sa wala. Pumasok siya sa Ma-mon-luk at pagkatapos ay tinabihan ng isang matandang parang nagpapabata. Hinimas-himas ang kanyang hita at yinaya pa sa I.C. Nagpaalam naman siyang jumingel sa Lola at paglabas niya nang banya ay lumayo at iniwan ang bill sa matanda. Inabutan siya ng curfew kaya napilitang makitambay sa mga naglalamay.
Kapag nasa probinsya akala ay lagi siyang tama. Pero may kwento rin naman ng kamartiran tulad ng kay Idyo(na dapat ay valedictorian nila). Malas niya lang at napagmali na lahi sila ng mangkukulam at nang lumaon ay lumuwas rin ng maynila. Mayroon ring ibang sikat sa kanila tulad ni Doming na naging Sundalo; si Zeny, dating puta na naging kabit ng pulitiko; si Mayor Adlaza na payaman ng payaman at ang huli nama'y si Tininte na dating magsasaka na naging asendero.
Tapos na ang curfew at humigop muna siya ng goto bao naisipang dumeretso sa boarding house. Hindi sila nagpansinan ng landlady(kahit alam niyang galit iyon). Dumeretso siya sa kwarto at nadatnang tulog sina Minyong at sisiw(anak ni landlady) pero wala pa rin si Kulas. Umidlip siya at paggising ay kinausap na lang si Minyong. Hindi pa talaga umuuwi si Kulas at dagdag pa si Kwakkwak(pusa) na pinalayas dahil nahuling nagnanakaw ng pagkain sa ref(kasama si Minyong). Nadamay pa nga sila ni Kulas pero nalaman niya rin na wala pa si Mr. Kabayan. Umalis si Minyong para makibalita sa tribo nila. Gusto niya ring lumabas pero wala namang maisip na pupuntahan. Nakita niya ang sulat ng kanyang itay(na walang lamang pera). Pero kakaiba ang nasa sulat, parang hindi maayos ang kalagayan nila at ang huling salita pa eh “magingat ka.” Gusto niya ring sumulat pero hindi niya alam kung magsasabi siya ng totoo. Nong minsan kasing nagsabi ng totoo ay nakagalitan pa(pumunta kasing central luzon). Gusto na nga rin siyang ilipat sa kanilang probinsya pero napilit pa rin na huwag. Gusto niyang magdoktor noong una pero ngayo'y ayaw na niya. Gusto na nyang umuwi pero hindi niya maisulat. Naisip niya namang sulatan si Tess pero napunta lang sa basurahan ang nagawang sulat. Tumawag si Joey sa telepono para yayain sa meeting si Jojo. Pero naiilang siyang pumunta dahil nandon sina Ven at Tess. Kasi nang magbreak sina Ven at Tess ay siya ang ginawang pantakip butas ng babae. Kaya nang magkaayusan na ay naging panggulo na lang siya. Dumating siya sa folk house(na may trying hard na Bob Dylan at walang folk). Hindi na niya makita ang matandang waiter na tumanggap sa kanila noong una. Nang dumating na si Joey(nakapaburgis na kasuotan dahil daw ayaw magpahalatang aktibista), pinagusapan nila ang nangyayari sa grupo. Si Kulas ay hinuli. Pinlano nila na sunugin kaagad lahat ng maaaring ebidensya sa boarding house at sa umaga nila yon gagawin kaya tumuloy muna sila kina Herbi. Pagbisita kina Herbi, una kaagad na pinoblema ang pagkain. Si Herbi ay anak ng pasto at sanay sa hirap. Ang pisong baon sa buong semestre ay pinapadami sa chess. Sabi niya ay may solusyon pa naman siya sa kanilang gutom. Sa tabing lagoon ay maraming kangkong. Tulad ng dati si Jojo ang lookout at sinwerte pa rin sila sa kangkong. Nang magluluto na si Herbi, napagkatuwaan nilang magchess(pero pareho silang nagdadayaan). Naisip niya na naman si Tess pero dinaan na lang nila sa kain at biruan ang problema. Nakatulog na ang dalawa pero siya ay nagiisip pa.
Bago pa man din siya makatulog napansin na niyang may sakit si Herbi. Ginising niya si Joey at naghanap naman si Jojo ng gamot sa mga gamit ni Herbi. Nakakita siya ng gamot at “calamine lotion” ang basa niya. Ipinahid niya sa pantal ng kaibigan. Nang gumanda-ganda na ang pakiramdam ay napansin ni Joey na anti-allergy syrup pala ito at kulang na para ipainom. Dumeretso sila sa infirmary at doon nakatulog ang tatlo. Nagising lang sila Joey at Jojo nang dumating ang doktor. Ngayon na pinabalik ni Joey si Jojo sa boarding house para linisin ang dapat linisin. Pagdating sa boarding house, nakita niya na maraming tao at nalaman niyang pinasok ito ng mga militar. Minabuti niyang lumayo muna.
Sa paglalakad, nakita niya ang maraming pagbabago sa Maynila at naalala ang mga pagbabago sa probinsya. Nang mapagod na ay bumalik din sa boarding house at doon niya nakasalubong si Inday. Tinangay nga sila sisiw at landlady. Hinahanap raw si Mr. Kabayan at mga estudyante nito. Pagpasok naman niya ng kwarto ay nalimas na ang lahat ng kanyang gamit maliban sa maruruming damit, jaket na bigay ni tess at silindro ni Kulas.
Pagbalik niya sa bahay ni Herbi, may iniwang note si Joey na pinapapunta siya kina Lib. Ayaw niya doon dahil sa mga magulang nito. Tinawagan niya muna ang bahay nila Lib at nalamang gabi pa ito uuwi. Kulang na ang pamasahe niya(at gutom na gutom pa) kaya naisipan na lang niyang dumiskarte sa Bus. Sinwerte naman siya at nakasakay. Pagdating sa Cubao ay nakaupo na siya pero minabuti niya na lang ibigay sa matandang ale ang upuan. Dahil nga sa gutom at pagod ay nahilo siya at hinimatay.
Pagkagising niya, nakita niya ang isang matandang babae na nagsusubo ng mainit na sabaw sa kanya. Siay ang babaeng binigyan niya ng upuan at “Mamay” ang tawag sa kanya. Dadalhin sana niya si Jojo sa ospital kaso ay mahirap lang rin sila at manghihilot naman siya. Gusto na umuwi ni Jojo pero masakit pa ang kanyang binti at baka abutin ng curfew( at nalaman niyang 3 araw na siya doon). May dumating namang buntis na nagkwento sa mga pagbabago sa kanilang lugar. Tutol dito si Mamay. Maya maya lang ay dumating si Boy na basang basa. Nagkausap sila ng kaunti(nabanggit ni boy ang aktibistang kuya) at nang dumating si Jem ay natulog na sila. Kinabukasan pagkatapos magalmusal ay nagpaalam na siya. Inabutan siya ng limang piso at hinatid na ni Boy palabas.
Minabuti niyang magpunta muna sa kababayang si Idyo para makibalita sa bayan nila. Pagdating kina Idyo, sinama siya ng kaibigan sa raket nito, maging fixer. Nang makaipon na ay pumunta sa isang Kritikal na Papel 7 eskenita at makipaginuman. Habang nagdadaldalan ang mga lasenggo ay tahimik siya hanggang mapansin ang isang makapal na sinturong nakadispley. Pagkatapos magsalita ay siya naman ang napunta sa “hot seat” sa usapan. Tuloy ang inuman at walang nagpapahalatang lasing. Merong lumabas at humihiga at dahil pala wala nang mainom. Buti ay may nagpakuha pa ng isang kahon. Noong malasing na si Jojo tsaka lang sinabi ni Idyo ang nangyari. Nasunog ang kanilang tindahan at nabugbog si Tata Selo. Nagkayayaan naman silang manood ng bomba. Marumi ang sinehan at matapos ang palabas sa sine ay pumasok ang isang announcer na nagyayaya sa isang live show sa maliit na silid sa gilid ng sinehan. Medyo may kamahalan ang tiket pero bumili pa rin ang makakasama. Mabaho at makalat ang silid na iyon, parang isang malaking basurahan. Nagumpisa na ang palabas sa pagitan ng isang babaeng medyo may edad at lalaking maton. Iba't ibang posisyon ang pinakita at palipat-lipat naman ng upuan ang mga kasama. Nang matapos na sila ay nagyaya ang announcer na manood uli.
Paglabas ay may nakasalubong na grupo ng mga lasing. Lumapit ang isa at tinadyakan ang isa nilang kasama. Paglayo ay sinalubong naman sila ng pulis, agad na nagsumbong, at binalikan ang grupo. Nang magharap-harap ay inagaw ng lasing ang baril sa pulis at kasabay nito ang dahandahan nilang pagtakas. Humiwalay na si Jojo sa grupo ni Idyo nang makitang may umaalialigid na metrocom.
Pagdating ni Jojo kina Lib, nadatnan niya si Joey at agad na kinwento ang mga nangyari. Nabalitaan niya rin na patay na sa engkwentro sila Kulas at Mr. Kabayan. Dahil dito napagpasyahan na buuin muli ang grupong tutubi.

ANALISIS


Wika at Estilo

Gumamit si Reyes ng “first person point of view” at nang “eksperimental na gamit ng satire.. na kung saan dadaanin sa ngiti ang pagmumura”(Reyes, 1987). Sa paggamit ng first person point of view mas nabigyang pansin ang mga pananaw ng kanyang pangunahing tauhan na si Jojo. Madalas na sa pagbibigay pa niya ng mga side comments nagiging nakakatuwa ang mga pangyayari. Halimbawa, nang bigyan siya ng leaflet ng kano sa ikatlong kabanata sinabi na “pati pala salita ng Diyos binebenta sa Maynila”. Sa ikasampung kabanata nang maglakad siya ng umaga “mahirap nang mapagkamalang poste ng meralco. Mahirap nang mapintahan ng kalburo, mahirap nang magmukhang sementeryo. Mahirap ding tumigil baka maihian ng aso.” Sa ganitong paraan niya rin ipinapahayag ang ilang kritiko at reklamo. Halimbawa, sa ika-7 kabanata sa mga iniisip niya tungkol sa titser “siyempre siya'y matagal nang nagsunog ng kilay at ako'y wala pang nasusunog maliban sa effigy ni Marcos at Uncle Sam. Siya ang tama at ako ang mali”. Ang ilang pagpuna rin sa gobyerno ay dinadaan sa pabirong paraan tulad ng “si Boss Mam(Imelda).. ay nababaliw sa kanyang kagandahan.”. Sa paggamit rin nito ng unang panauhan, iniiba niya rin ang karaniwang mga katawagan at pangalan ng mga bagay-bagay. Maraming binagong pangalan ay tungkol kay Marcos at kanyang asawa pati na rin sa kanyang mga guro. Wala naman sigurong may pangalang Miss Spermatozoa o Miss Moral Character. Ginamit niya ang mga katawagang iyon para mailarawan pang maigi ang mga tauhan at madalas naman talagang gawin iyon ng mga estudyante.
Maraming variety ng wikang ginamit sa nasabing nobela. Sa ilang mga naging panimula sa mga kabanata, parang medyo malalim at matalinhanga. Halimbawa, sa ika-12 kabanata “walang tainga ang mundo, walang puso ang mundo...” at sinabi pa niya “Tigil mundo, parahan mo ako”. Sa loob rin ng mga insights ng pangunahing tauhan makikita ang ilang seryoso at derechong pangungusap at ang ilan ay mga retorika at maloko. Madalas makita ang seryosong mga pangungusap sa bandang dulo, halimbawa “hindi ako makaiyak dahil sa awa sa aking pamilya. Ngayo'y naiiyak ako dahil sa galit.. Putang ina.”. Sa kabilang dako naman may pabirong linya tulad ng “ang tao nga namang nagigipit kahit sa patay ng ibang tao kumakapit.”. Iba-iba rin naman ang variety ng mga dayalog: may ma-stress na ingles at filipino( Gardonet: “ar yu sosyalis”); pormal na Filiipino at Ingles (Pag kausap ang titser o may seryosong usapan ang barkada: “Stand up and get out of my room!”); at mga balbal, kolokyal at hiram na salita sa pangungusap( kina Idyo:”pambulas ba sa aswang yan.... Gimmik lang ni erpat”). Napaganda ang plot dahil sa panauhang ginamit. Lumalabas na ang mga oryentasyon sa tauhan, tagpuan at mga pangyayari ay nakaayon lahat sa binuong pagkatao ng pangunahing tauhan. Mahusay na naipakita ang pagunlad ng pangunahing tauhan: mula sa isang pasibong tao, naging matanong at sumusuway, hanggang maging tunay na aktibistang galit. Nagkakaroon rin ng iba-ibang conflict sa pagpasok ng mga kabanata. Nagtagpi-tagpi lamang ang mga pangyayari pagdating ng mga bandang dulo ng nobela. Mas lumalabas nga na layunin ng mayakda ang ilarawan ang pangyayari sa kanyang pamamaraan ng pagsulat.

Tema (Ang Simula ng Batas Militar)

Ang kabuuang tema ng nobela ay ang mga unang araw ng batas militar. Ilinahad sa nobela ang mga nangyari sa panahon ng batas militar. Pero bakit nga ba nagkaroo ng batas militar ang bansa? Noong ika-23 ng Setyembre 1972 ihinayag ni Marcos sa telbisyon ang pagsasailalim ng bansa sa batas militar para “maisalba ang Republika at ayusin ang lipunan”(akin ang salin). Pero bakit kailangang ayusin ang lipunan? Ayon kay Salvador Lopez(1974) “The assumption that the Republic needed saving and that Philippine society required reformation is an open doubt.” at ang dahilan ng pagkakadeklara ng martial law ay dahil “doom had descended upon the land”(Lopez, 1974). At para mapigilan ang pagbugso ng galit ng mamamayan, idineklara niya ang martial law.
Totoo nga ang ilang nabanggit na detalye ni Reyes sa kanyang nobela. Nakita ko sa mga larawan ng “One Year of the New Society”(Marcos, 1973) ang tinutukoy niyang squatters area na may pintang puti. Oo, mukhang sementeryo. May curfew rin talaga sa lansangan mula 12-4 n.u. At tama ang paglalarawan niya sa lungsod pag gabi, tahimik. Sinasabi rin ng akda na labis ang pagbaba ng krimen at karahasan sa bansa at ang mga paligid-ligid na mga alagad ng batas sa mga lansangan. Ang kakaibang kalinisan ay nakita ko rin sa mga larawan. Marami pang nabanggit tulad na mga “improvements”sa bagong lipunan tulad ng pagsasaayos ng edukasyon sa bansa, land reform, pagbaba ng korapsyon, pagdami ng pagkain, pagdagsa ng foreign investments atbp. Ito marahil ang mga idinedepensa ng mga titser ni Jojo. Pero kung ganoon, bakit ba pinapalabas ni Jun Cruz Reyes na mali ang batas militar? Wala bang katotohanan ang kanyang pinagsusulat sa Nobela? Ihinayag ng Civil Liberties Union of the Philippines(1975) sa kanilang pamphlet na “The State of the nation after 3 years of martial law” ang ilang butas ng batas militar. Ang krimen at karahasan sa pagitan ng sibilyan at kapwa niya ay bumaba pero kung idadagdag ang karahasan ng militar tiyak na lolobo talaga ang bilang. Oo, nagkaroon ng pagbabago sa edukasyon pero para kanino? Pinilit tayo sa mga skilled jobs na madaling matutunan at pinilit na gawin agricultural ang bansa at anumang matututunang sagabal daw sa pagunlad ng bayan ay ipinapatanggal. Titser nga ang mga anghel ng talino. Si Marcos naman ang diyos. Panay rin talaga ang dagsa ng dayuhang investors. Bawal magstrike, mababang pasweldo, maliit na buwis. Sino ba ang aayaw dumagsa sa bansa lalo na at pwede na sila magari sa bansa ng walang limitasyon? Kaya tama lang ang ipinakita ni Reyes sa kanyang akda. Marami ngang bago, pero para yon lahat kina Mam at Sir, pati sa bisita nila.
Sa ganitong sistema napakalaki ng tungalian ng sibilyan at militar, pati ng mamamayan at Bagong lipunan. Totoo ngang “Power Corrupts”(CLUP, 1975) at sa bagong sistema, napalitan lang ang nangaaping elite ng mas malakas at mas matakaw.

KABULUHAN SA KASALUKUYANG PANAHON


Maski si Reyes sa kanyang paunang salita ay nagtatanong kung ano bang magiging kabuluhan ng kanyang nobela sa kasalukuyang panahon ngayong wala nang batas militar. Bilang isang bahagi ng panitikan dapat talaga'y hindi lang pang-martial law ang itatagal ng akda. Hindi naman nito basta na lamang inilahad ang mga unang araw ng batas militar. Hindi rin naman tayo pinilit na ito ang gawin sa mga ganiton pangyayari. Ginamit niya ang isang pananaw na may espesipikong material conditions at ayon doon ang pinili niyang gawin. Sa aking palagay, naging instrumento lamang ang martial law para ipakita ang pagkasupil ng karapatan at opresyon na maski walang batas militar ay nagaganap.
Mahalagang bigyang diin ang kakayanan bilang indibidwal. Iyon, dala na rin ng kanyang estilo,ay maaaring mamuhay kahit lipasan na ng panahon. Hindi nga bao ang pangungusap na “Man has the right to pursue his own happiness” na panahon pa nila John Locke at pinagpatuloy sa Utilitarianism ni John Stuart Mill sa Inglatera. Ang kaibahan lang ay isinakonteksto sa Pilipinas ito ni Reyes. Hindi tamang dakpin ka nang wala ka namang kasalanan( Gardonet kay Jojo), pero maaari siyang magembestiga ng hindi ka gaanong napipinsala. Magandang binigyan diin niya ng pansin ang estruktura ng pamilyang pilipino. Kailangan mong sumunod sa magulang pero minsan maaari ring hindi kung itatakda ng sitwasyon. Ang ilan rin niyang kritisismo sa relihiyon ay dapat rin nating alalahanin. Marami na ang nagiging masyadong panatiko sa relihiyon at madaling magpadala basta sinabi ng pari at kung sino pa mang preacher. Madaling patakot sa impyerno. Dapat nating alalahanin na tao rin ang mga iyon at maaaring niloloko ka rin. Sa edukasyon, dapat naman tandaan na hindi mga hari't reyna ang mga guro at hindi lamang sa libro at paaralan nakukuha ang kaalaman at tama lang ang sinabi niya sa unang kabanata. “HINDI PORKE KINATATAKUTAN AY NIRERESPETO”

PANGWAKAS

Bilang pangwakas, nais kong ipahayag ang aking pagsangayon sa kabuuang tema ng nobela. Parang bibalikan nito kung ano ba dapat ang panitikan. May praktika at kariktan. At hindi siya gaanong nagpadala sa panahon. Malaya pa rin niyang nailahad ang katotohanan sa pamamaraang kawiliwili. Para ngang dama ko rin ang kilabot nang lapitan siya ng matandang babae, naisip ko rin ang paghihimagsik nang malamang patay na ang mga kasama (pandidiri nang manood ng kalaswaan..). Bilang estudyante talagang makakaugnay ka sa ginawang nobela ni Jun Cruz Reyes. TUTUBI, TUTUBI, 'WAG KANG PAHULI SA MAMANG SALBAHE.

.................................................................................
The analysis should be posted for my next blog...


Starting my Blog.. (Ang Simula)

Summer of 2010.. A really nice time to start posting some essays that I've done (mostly about philosophy and politics).
I really do not expect a number of audiences for this blog. But even if that's the case, I still believe that this thing is worth giving a shot..
Summer here sure is hot!!